PCG, PATULOY SA PAGHAHANAP SA MGA NAWAWALANG SABUNGERO SA TAAL LAKE

Patuloy ang search operations ng Philippine Coast Guard sa Taal Lake ngayong Hulyo 11 para hanapin ang mga nawawalang sabungero.
Tatlong dive teams ang lumusong sa bahagi ng Barangay Balakilong, kung saan umabot sa 21.8 metro ang lalim ng kanilang sinisid.
Pansamantalang itinigil ang operasyon ngayong umaga at muling magpapatuloy sa ikalawang dive.
Sa kabuuan, 36 sa 49 divers ng PCG ang nakapagsagawa na ng operasyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments