PCG, patuloy sa pagpapatrolya sa West Philippine Sea

Patuloy ang ginagawang pagpapatrolya ng Philippine Coast Guard (PCG) sa West Philippine Sea (WPS).

Ito ang pagtitiyak ni PCG Commodore Armand Balilo, kasunod ng napaulat na mayroong Filipino fishermen ang hindi pinapayagan makapangisda sa Bajo de Masinloc.

Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Commodore Balilo na nasa apat na barko mula sa kanilang hanay ang nagpapalit-palitan sa pagpapatrolya sa WPS.


Wala naman aniya silang natatanggap na ulat na mayroong pinagbabawalang makapangisda doon. Sa katunayan aniya ngayong araw, nasa isang barko at isang fishing boat ang nasa loob ng Bajo de Masinloc.

Ayon pa kay Balilo, tinutulungan pa nila ang mga mangingisdang nakikita nila sa bisinidad sa pamamagitan ng bayanihan sa karagatan.

Facebook Comments