PCG, pinabulaanan na binuntutan ng dalawang Chinese vessels ang BRP Andres Bonifacio ng Philippine Navy sa West Philippine Sea

Pinabulaanan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang naunang impormasyon na nailabas nito kaugnay ng pagbuntot ng dalawang Chinese vessels sa BRP Andres Bonifacio ng Philippine Navy.

Ito ay habang nagpapatrolya raw sa bahagi ng West Philippine Sea (WPS) nitong Sabado.

Ayon sa PCG, ang naturang impormasyon ay tweet mula sa isang US Defense at security expert na si Ray Powell.


Gayunman, hindi pa aniya ito verified.

Facebook Comments