PCG, pinabulaanang may black sand mining sa Zambales

Inihayag ng Philippine Coast Guard (PCG) na walang nagaganap na pagmimina ng black sand sa lalawigan ng San Antonio, Zambales.

Ayon kay Cmdr. Euphraim Jayson Diciano, hepe ng PCG station sa Zambales, nagkasa sila ng imbestigasyon matapos na kumalat ang isyu pero wala naman itong katotohanan.

Matatandaan na unang sinabi ni Philippine Navy Spokesperson for the West Philippine Sea Rear Adm. Roy Vincent Trinidad na mahigpit nilang binabantayan ang posibleng black sand mining sa Zambales na dinala at itinapon umano sa WPS para sa military purposes.


Pero iginiit ni Diciano na lahat ng 12 substations ay ini-report sa kaniya na walang aktibidad ng black sand mining matapos ang ikinasang inspeksyon.

Dagdag pa ni Diciano, mayroong dredging operations sa lalawigan at posibleng may “maliit na porsyento” ng black sand ang kinukuha sa mga operasyong ito, na noon ay itinapon sa mga reclamation site sa Pasay City o Bulacan pero hindi sa WPS.

Samantala, binigyang diin ni Diciano na ang mga dredger vessel na ito ay may mga dokumento at kaukulang permit.

Facebook Comments