Pinaghahanda ni House Committee on Strategic Intelligence Committee Chairman Johnny Pimentel ang Philippine Coast Guard (PCG) sa posibleng pag-atake ng China Coast Guard (CCG) sa gagawing offshore gas drilling activities ng bansa sa Recto Bank.
Nakatakda kasing magsagawa ng drilling activities ang bansa sa Sampaguita gas discovery hanggang October 16, 2022.
Giit ni Pimentel, sakaling bombahan ng tubig at i-harass ng Chinese vessels ang mga Pinoy na magsasagawa ng drilling activities ay dapat nakahanda ang barko ng PCG na atakihin din sila ng water cannons.
Sinabi pa ng kongresista na maging ang Vietnam Coast Guard ay gumaganti rin sa China Coast Guard ng water cannon sa tuwing may isasagawang aktibidad sa kanilang teritoryo.
Umaasa si Pimentel na ide-deploy ng PCG ang kanilang lead ship na BRP Gabriela Silang sa paligid ng Recto Bank para sa depensa at upang mabantayan ang drilling activities.