PCG, pinalalakas ang kampanya kontra pamimirata at terorismo sa bansa

Manila, Philippines – Tiniyak ng pamunuan ng Philippine Coast Guard na lalo pa nilang palalakasin ang kampanya laban sa terorismo at pamimirata kasabay ng kanilang modernisasyon.

Ayon kay PCG Spokesman Armand Balilo sa mas pinalakas na tinatawag na Special Relation ng Pilipinas at ng Japan at ng iba pang bansa, natutulungan ang pagpapabilis ng modernisasyon ng PCG, kasama na rito ang pagdating ng karagdagang 44 meter Multi-Role and Response Vessels sa susunod na taon.

Paliwanag ni Balilo malaking tulong ang makabagong sasakyang pandagat ng PCG sa pagtugis sa mga pirata at kampanya kontra terorismo sa bansa.


Dagdag pa ni Balilo na kaakibat sa mandato ng PCG bukod sa pagpapanatili ng kaligtasan, kapayapaan sa karagatan ay ang pagsuporta sa kampanya ng gobyerno laban sa operasyon ng mga sindikato ng ilegal na droga.

Facebook Comments