Manila, Philippines – Ipinauubaya ng pamunuan ng Philippine Coast Guard sa mga district at station commanders ang pagkakansela ng mga biyahe at paglalayag ng mga maliliit na sasakyang pandagat dahil sa bagyong Goryo.
Batay sa direktiba ni PCG-OIC Commodore Joel Garcia, mahigpit niyang na pinamo-monitor ang kalagayan o laki ng mga alon sa kani-kanilang areas of responsibility.
Ayon kay Garcia, kung sa pagtataya ng mga opisyal ay mahihirapan ang mga maliliit na saakyang pandagat sa paglalayag, hindi dapat sila mag dalawang isip na suspindihin muna ang byahe ng mga mga ito para iwas aksidente.
Kaugnay nito, pinaghahanda na rin niya ang mga rescue units ng Coast Guard, sakaling kailanganin ng pagkakataon.
Facebook Comments