PCG, pinawi ang publiko sa pangamba sa namataan barko ng China sa East Philippine Sea

Walang namo-monitor ang mga awtoridad na iligal na aktibidad hinggil sa research vessel ng China na huling namataan sa karagatang sakop ng Eastern Samar.

Ayon kay PCG Spokesman Rear Admiral Armando Balilo, may mga barko sila sa Eastern Visayas na maaaring mag-monitor sa aktibidad ng barko ng China.

Aniya, ang BRP Melchora Aquino ang nakatokang magbantay sa research vessel na Shen Kuo.


Gayunman, dahil naglayag na ang Chinese vessel pa-Timog ay ibang sasakyan na ng PCG ang magsasagawa ng monitoring.

Wala ring nakikitang problema ang PCG sa presensiya ng research vessel ng China na nasa 32.57 nautical miles o 60 kilometro ng San Policarpio, Eastern Samar.

Dagdag pa ni Balilo, may kalayaan sa paglalayag o freedom of navigation ang Shen Kuo sa exclusive economic zones ng bansa.

Ang mahalaga raw dito ay hindi pumapasok ang barko sa 12 nautical miles o katumbas na 22 kilometers na territorial waters ng bansa.

Facebook Comments