Pinayagan na ng Philippine Coast Guard (PCG) na makapagbiyahe ang mga sasakyang pandagat na una nang pinagbawalan dahil sa tropical depression “Usman” na humina na at naging isang Low Pressure Area (LPA).
Ang aksiyon ng PCG ay kasunod na rin ng anunsiyo ng PAGASA na tinanggal na lahat ng tropical cyclone warning signal sa lahat ng lugar sa bansa.
Gayunman, nilinaw naman ng PAGASA na mapanganib pa rin ang paglalakbay sa karagatan sa mga seaboards ng northern at Central Luzon, eastern at western seaboard ng Southern Luzon maging sa eastern seaboard ng Visayas dahil sa mga epekto ng northeast monsoon.
Maaalalang kaninang umaga ay nag-landfall ang bagyo sa Borongan City, Eastern Samar dakong alas-6:00 ng umaga at naging LPA na lamang.
Facebook Comments