PCG, rumesponde na rin sa banggaan ng dalawang dayuhang barko sa Corregidor Island

Rumesponde ang Philippine Coast Guard (PCG) sa banggaan sa Corregidor Island ng Sierra Leone-flagged ship MV Hong Hai 189 at ng Marshall Island-flagged ship MT Petite Soeur.

Partikular na rumesponde sa insidente ang PCG vessel na BRP Capones.

Sa naturang banggaan ng dalawang dayuhang barko, lumubog paunti-unti ang MV HONG HAI 189.


Agad namang na-rescue ang 16 mula sa 20 mga crew na sakay ng nasabing barko.

Ngayong araw, nag-deploy pa ng isang barko ang PCG, bukod pa sa aluminum boats at rubber boats para sa search and rescue operations.

Facebook Comments