PCG, siniguro na walang naging problema sa kanilang website matapos ang insidente ng hacking

Inihayag ng Philippine Coast Guard (PCG) na walang naging problema sa kanilang website matapos itong subukan i-hack.

Ayon kay PCG Spokesperson Rear Admiral Armando Balilo, walang dapat ikabahala ang publiko dahil ang kanilang website ay ligtas at hindi napasok ng hackers.

Aniya, nagkasa na sila ng imbestigasyon matapos matanggap ang report ng Department of Information and Communications Technology (DICT) sa tangkang pag-hack ng website ng PCG.


Intasan na rin ni PCG Commandant Admiral Ronnie Gil Gavan ang Coast Guard Public Affairs Service (CGPAS) na patuloy na makipag-ugnayan sa DICT at bantayan ang sistema ng kanilang website.

Dagdag pa ni Basilio, bagama’t para publiko ang website ng PCG, hindi nila hahayaan na pakialaman ito ng mga hackers para lamang manggulo at maglabas ng maling impormasyon.

Facebook Comments