PCG, sinigurong walang nangyaring oil spill matapos mabangga ang isang vessel ang isang motor tanker sa Batangas

Siniguro ng Philippine Coast Guard (PCG) na walang nangyaring oil spill matapos ang insidente ng pagkakabangga ng isang vessel at isang motor tanker sa Batangas.

Partikular sa karagatan sakop ng Barangay San Juan sa Mabini.

Sa imbestigasyon ng PCG, nakadaong sa Landoor Pier ang Motor Tanker Oak Express nang mabangga ng M/V Everwin-11.


Bahagyang nawasak ang kaliwang bahagi ng likuran ng tanker pero wala naman naitalang sugatan na mga tauhan ng dalawang barko.

Hindi naman nagkaroon ng oil spill dahil ang ibabaw na bahagi ng tanker ang nasira kung saan ang malakas na alon at hangin ang nakikitang dahilan kaya nawalan ng kontrol ang vessel habang ito ay dumaraong.

Sa kasalukuyan, nananatili pa rin ang dalawang barko sa Landoor Pier habang inaalam pa kung magkano ang danyos sa mga barko dahil sa hindi inaasahang insidente.

Facebook Comments