Hindi na kailangan ng suporta ng mga kaalyado ng Pilipinas para sa pagsasagawa ng resupply missions sa BRP Sierra Madre.
Ito’y ayon kay Philippine Coast Guard (PCG) Commodore Jay Tarriela, spokesperson for the West Philippine Sea sa kabila ng pinakahuling hakbang ng China sa pinag-aagawang teritoryo.
Aniya, normal at palagi naman ginagawa ang resupply mission sa BRP Sierra Madre kaya’t hindi pa kailangan ang tulong o suporta ng ibang bansa.
Matatandaan na binangga ng barko ng Chinese Coast Guard ang barko ng Pilipinas habang nagsasagawa ng resupply mission sa Ayungin Shoal noong Hunyo 17 dahilan para maputulan pa ng hinlalaki ang isa sa mga tropang Pinoy.
Sa kabila ng ebidensya mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP) na tinakot pa ng mga Chinese ang mga Pinoy gamit ang mga patalim, sinabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin na ang insidente ay hindi isang armed attack na pinaboran rin ni Tarriela.