PCG, target na mapasok ang Dinagat Islands para mahatiran ng tulong

Prayoridad ng Philippine Coast Guard (PCG) na mapasok ang Dinagat Islands para maghatid ng tulong.

Ayon kay PCG Spokesperson Commodore Armand Balilo, naglalayag na ang BRP Gabriela Silang patungong Dinagat Island.

Aniya, pahirapan ang pagdadala ng relief sa nasabing isla dahil maraming barko ang sumadsad noong kasagsagan ng Bagyong Odette.


Maliban dito, sinabi ni Balilo na isang barko rin ng PCG ang naglalayag na patungong Palawan.

Mag-iinspeksyon din ang mga ito sa newly-built Coast Guard station (CGS) sa Pag-asa Island na na washed-out dahil sa Bagyong Odette.

Facebook Comments