PCG, tiniyak ang patuloy na pagpapatrolya sa WPS sa kabila ng panibagong pangha-harass ng China

Tiniyak ng Philippine Coast Guard na magpapatuloy ang kanilang pagpapatrolya sa West Philippine Sea.

Sa kabila ito ng panibagong pangha-harass ng China Coast Guard sa barko ng Pilipinas noong Pebrero 6.

Una rito, iniulat ng PCG na nakaranas ng pansamantalang pagkabulag ang crew ng BRP Malapascua matapos na tutukan ng China Coast Guard ng military-grade laser habang papunta sa Ayungin Shoal para sa resupply mission.


Sabi ni PCG Spokesperson Commodore Armand Balilo, wala silang pinangingilagan at patuloy nilang gagampanan ang kanilang tungkulin para proteksyunan ang mga mangingisdang Pilipino sa West Philippine Sea.

Nabatid na sinisi pa ng gobyerno ng China ang Pilipinas sa insidente at sinabing pumasok kasi ang barko ng PCG sa karagatang sakop ng kanilang teritoryo nang walang pahintulot.

Tinutukoy rito ng China ang Ren’ai Reef na bahagi ng Spratly Islands at isa sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.

Facebook Comments