PCG, tiniyak na walang oil spill sa pagsadsad ng yate sa Bulalacao, Oriental Mindoro

Walang nakitang traces ng oil spill ang Philippine Coast Guard (PCG) sa sumadsad na yate sa Sugicay Island, Bulalacao, Oriental Mindoro.

Kinumpirma naman ng PCG na na-rescue nila ang mag-asawang sakay ng yate.

Kinilala ang mag-asawa na sina Belen Sidell, 41 years old, Filipina at Jon Sidell, 63 years old, American national.


Magsasagawa sana ng kite surfing activity ang mag-asawa nang salubungin ang kanilang yate ng malalakas na alon at hangin.

Ligtas naman ang dalawa nang sila ay ma-rescue.

Facebook Comments