
Inisa-isa ng Philippine Coast Guard ang kahalagahan ng international partnership sa usapin ng maritime security.
Ayon kay Rear Admiral Inocencio Rosario Jr., Commander ng PCG – Special Operations Force, ang global partnership at kolektibong hakbang ay mahalaga sa pagharap sa usapin ng maritime security.
Ipinaliwanag ni Rear Admiral Rosario na mas kailangan ang pinaigting na kooperasyon, resource sharing, joint strategy upang matiyak ang kaligtasan, katatagan at sustainability ng katubigan.
Ang mga ganitong hakbang din aniya ang siyang lalong mag-uugnay sa mga magkakalapit na bansa para harapin ang maritime challenges.
Facebook Comments