PCG, tutulong sa pagbangon ng Marawi

Manila, Philippines – Tiniyak ng pamunuan ng Philippine Coast Guard na hindi nila pababayaan ang pagtulong sa pagbangon ng Marawi sa kabila ng tuluyan ng nadurog ng pwersa ng pamahalaan ang Maute -ISIS group.

Ayon kay PCG Spokesman Capt . Armand Balilo sa harap na nalalapit na Anibersaryo ng pagkakatatag ng PCG at kaugnay ng katatapos na pagpapatupad ng Maritime Security kaugnay ng Asean, pinaghahandaan na muli ng PCG ang pagbabalik ng kanilang pwersa sa Marawi, Iligan City at ang pagpapatuloy ng pagpapatrolya sa Lanao Lake.

Dagdag pa ni Balilo na isang Coast Guard Station din ang itatayo sa lugar upang lalu pang mapalakas ang presensya ng gobyerno at ang pagbibigay ng ayuda, seguridad sa mga residente na nahaharap sa malaking hamon ng pagbangon.


Paliwanag ni Balilo gagamitin din ang ilang barko ng PCG sa paghahatid parin ng tulong sa mga naapektuhan ng limang buwang digmaan sa Marawi.

Giit ng opisyal nanatili pa rin aniya sa kontrol ng Philippine Coast Guard ang usapin ng pagtaya ng seguridad sa lahat ng pantalan sa Mindanao, lalo at nanatiling nakataas ang Batas Militar o Martial Law.

Facebook Comments