PCG, walang nakitang oil spill sa katubigan sakop ng Hagonoy, Bulacan

Walang nakitang anumang oil spill ang Philippine Coast Guard sa katubigan sakop ng Hagonoy, Bulacan.

Ito ang pahayag ni PCG Rear Admiral Armand Balilo matapos na iulat ng Greenpeace Philippiens na umabot na sa nasabing probinsiya ang oil spill na mula sa MT Terra Nova na lumubog sa karagatang sakop ng Lamao Point, Limay, Bataan.

Nabatid na agad na nagsagawa ng survey at monitoring ang PCG para kumpirmahin ang kumalat na larawan na nakaabot na ang oil spill sa Hagonoy, Bulacan.


Kaugnay nito, nakiusap si Balilo sa mga media outlet na naglabas ng nasabing impormasyon at larawan na tanungin ang nabanggit na grupo na magsagawa ng counter check bago maglabas ng anumang pahayag.

Muling iginiit ng PCG na walang oil spill sa Hagonoy, Bulacan kung saan patuloy silang gumagawa ng hakbang para mapigilan naman ang pagkalat ng langis na tumagas mula sa lumubog na tanker sa Limay, Bataan.

Facebook Comments