Walang natatangap na ulat ang Philippine Coast Guard (PCG) na mga ulat na pinagbabawalan ang mga lokal na mangingisda na pumalaot sa Bajo de Masinloc, Zambales sa West Philippines Sea.
Ayon kay PCG Spokesperson Commodore Armand Balilo, pinapayagang makapasok sa nasabing lugar ang barkong pangisda ng mga Pilipino.
Mayroong apat na barko ng coast guard ang nagpapatrolya at naghahatid ng relief packs sa mga lokal na mangingisda sa lugar.
Dagdag pa ni Balilo, kasalukuyang nasa ‘payaw’ season, kung saan kumakanlong ang mga isda sa mga mabababaw na bahagi ng karagatan.
Ang PCG ay in-activate ang kanilang Task Force Pagsasanay para paigtingin ang capacity building ng kanilang mga tauhan at assets at nangakong poprotektahan ang maritime territory ng Pilipinas.