PCGA 907th Squadron – Rotary Club of Metro Naga Patuloy sa Pag-Disinfect ng mga Barangay sa Naga City Bilang COVID-19 Spread Prevention Initiative

12

Patuloy ang disinfection initiatives ng grupong Philippine Coast Guard Auxiliary (PCGA) 907th Squadron sa ilalim ng pamumuno ni Capt Ben Pejo, PCGA sa pakikipagtulungan ng ng grupo ni Rotarian Rex Villegas ng Rotary Club of Metro Naga.

Layunin ng nasabing volunteer initiative na mapanatiling maiiwasan ang kaso ng COVID-19 sa Naga City. Sinisikap ng grupo na sa ganitong paraan, makatulong sila sa prevention ng pagkalat ng COVID-19 sa lahat na barangay na kinasasakupan ng lungsod. May kabuuang 27 barangays ang Naga City.


Ang inisyatibong ito ay simulang isinagawa nitong nakaraang linggo at nagpapatuloy hanggang sa isinusulat ang balitang ito.
with report from RadyoMaN Jun Orillosa photo credit: fbJosepho Plantado

Facebook Comments