Ayon sa annual audit report ng Commission on Audit (COA), hindi pa rin tapos na maibenta ng Presidential Commission on Good Governement (PCGG) ang P1 bilyon worth of assets na nakuha ng gobyerno mula sa mga Marcos.
Ang mga nairecover na mga property, stocks at jewelry ay nakalista sa public bidding na base sa privatization plan noong 2018.
Dagdag pa sa report, 1,146-square-meter lot lamang sa Wingman Compound sa Baguio City ang naibenta sa halagang P20.742 milyon at P157,500 na share stocks ng Showa United Food Inc., sa halagang P50.050 milyon.
Sa sumatutal na P1.081 bilyon na ill-gotten assets mula sa mga Marcos ang hindi pa naiibenta kasama na rito ang jewelry set na nakatago sa vault ng Bangko Sentral ng Pilipinas.
Facebook Comments