PCGG, nagsumite na ng mga ebidensya sa DOJ hinggil sa umano’y ghost employees sa ahensya noong si Bautista pa ang namumuno dito

Manila, Philippines – Kinumpirma ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre na naisumite na sa kanya ng Presidential Commission on Good Government ang bulto ng mga dokumento hinggil sa usapin ng ghost employees noong ang namumuno pa dito ay si Commission on Elections Chairman Andres Bautista

Sinabi ni Aguirre na matapos siyang makipagpulong sa mga opisyal ng PCGG noong mga nakalipas na araw, ibingay ng mga ito ang nasabing dokumento at ang mga naging transaksyon ni Bautista nuong pinamumunuan pa nito ang PCGG.

Aminado naman ang kalihim na hindi pa niya lubos na napag-aaralan ang mga nabanggit na dokumento.


Samantala, iginiit ni Aguirre na maaari ding magsagawa ng hiwalay na imbestigasyon ang PCGG bukod pa sa isinasagawang imbestigasyon ng NBI hinggil naman sa umano’y tagong yaman ng poll chief.

Una nang sinabi ng Anti-Money Laundering Council na nakikipag-ugnayan narin sila sa NBI hinggil naman sa umano’y sangkatutak na bank accounts ni Bautista.

Facebook Comments