Manila, Philippines – Pinayagan na ni Department of Justice Secretary Vitaliano Aguirre ang Presidential Commission on Good Government na imbestigahan ang umanoy tagong yaman ni Commission on Election Chairman Andres Bautista.
Kabilang dito ang mahigit isang milyong pisong unliquidated cash at dollar accounts ni Bautista noong siya pa ang chairman ng PCGG.
Gayundin ang sinasabing ill-gotten wealth kickbacks, kasama ang sinasabing pinambayad sa law firms kung saan konektado siya.
Mahigpit naman na makikipag-ugnayan ang PCGG sa National Bureau of Investigation, Commission on Audit at Department of Justice sa pagsasagawa ng imbestigayon kay Bautista.
Facebook Comments