PCGG, tiniyak na mabebenta ang Marcos jewelry sa loob ng taong ito

Tiniyak ng Presidential Commission on Good Government (PCGG) na ibebenta ang multi-million dollar jewelries na nakumpiska mula sa pamilya ni dating first lady Imelda Marcos.

Ito ay kasunod ng pagbibigay ng go-signal mula kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay PCGG acting Chairperson Reynold Munsayac – puspusan na ang kanilang mga hakbang para makumpleto ang pagsusubasta sa Marcos jewelry sa loob ng taong ito.


Dagdag pa ni Munsayac – natanggap na nila ang memorandum na inilabas ni Executive Secretary Salvador Medialdea ukol sa approval ni Pangulong Duterte sa auction sa mga alahas na nagkakahalaga ng $45 million.

Sisiguraduhin ding nasusunod ang guidelines para sa proper disposal.

Ang Marcos jewelries ay nasa pangangalaga ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at hinati sa tatlong koleksyon: ang Malacañan Collection; Roumeliotes Collection at ang Hawaii Collection.

Facebook Comments