PCGH, punuan na ang COVID-19 ward at ICU para sa mga pasyenteng tinamaan ng COVID-19

Humingi ng dispensa ang pamunuan ng Pasay City General Hospital (PCGH) sa publiko partikular sa mga residente ng Pasay City dahil sa full capacity na ang naturang pagamutan sa mga pasyenteng tinamaan ng COVID-19.

Ayon kay PCGH Officer in Charge Dr. John Victor de Gracia, pansamantala muna nilang ititigil ang pagtanggap ng mga pasyente na may kaugnayan sa kinatatakutang sakit na COVID-19.

Paliwanag ni Dr. Gracia, maglalabas muli sila ng mga panibagong advisory kung sakaling magkaroon na ng bakante sa kanilang COVID-19 Wards at intensive care unit (ICU).


Iminungkahi rin ni Dr. de Gracia na mas makakabuti na kontakin na lamang ang One Hospital Command Center (OHCC) sa cellphone number 09199773333, 09157777777 at 02-88650500 para magabayan kung saang hospital maaaring dalhin ang kanilang mga pasyente.

Facebook Comments