PCI Jovie Espenido, itinuturing na "taga-patay" ng pangulo

Manila, Philippines – Naniniwala si Magdalo PL Rep. Gary Alejano na hindi “coincidence” na maituturing na may mga bigtime narco-list ang napapatay sa mga lugar kung saan nakatalaga si Police Chief Inspector Jovie Espenido.

Ayon kay Alejano, itinuturing ng Pangulong Duterte si Espendio na hatchet man o “taga-patay” sa mga big time protectors ng illegal drugs.

Giit ni Alejano, malinaw na kumikilos si Espenido sa ilalim ng utos ng Pangulo kaya bawat hakbang at pagpatay nito ay may kumpas mula sa Presidente.


Tinawag din na “uncalled for” at “unusual” ang mga pahayag ni Espenido kay Iloilo Mayor Jed Mabilog na mistulang pagbabanta na sa Alkalde.

Sinabi kasi ni Espenido na kung mamatay si Mabilog habang siya ang Chief of Police ng Iloilo, ito aniya ay kaloob ng Diyos.

Paalala ng kongresista sa Pangulo na sumunod sa due process at rule of law at huwag kunsintihin ang short cut process dahil posibleng ilagay ng mga biktima ang batas sa kanilang mga kamay.

Facebook Comments