PCIC, nakapag-release na ng P347-M na kabayaran sa pinsala sa nasirang pananim dahil sa Bagyong Ulysses

Nakapagpalabas na ang Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) P347-M na ibibigay bilang bayad sa napinsalang pananim at kabuhayan ng mga magsasaka at mangingisda na pinadapa ng Bagyong Ulysses.

Ito ay kumakatawan sa inisyal na kabayaran mula sa P1.5 Billion na insurance claim na pinoproseso na.

Mayroong 121,000 insured farmers at fisherfolk na may nasirang palayan, maisan, high-value crops, mga livestock holdings, fisheries at mga assets na nawasak.


Mahigpit ang kautusan ni Agriculture Secretary William Dar sa PCIC na madaliin ang verification at adjustment activities sa pagri-release indemnity funds.

Facebook Comments