Itinanggi ng Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ) na pakana ng oposisyon ang kanilang report hinggil sa mabilis na paglago ng yaman ng pamilya Duterte sa loob ng 10 taon.
Ayon kay Marilou Mangahas, executive director ng PCIJ, walang dahilan para magalit si Pangulong Rodrigo Duterte dahil nakabatay ang kanilang report sa Statement of Assets and Liabilities and Networth (SALN) at datos mula sa official records ng gobyerno.
Aniya, sinikap ng PCIJ na kunin ang panig ng first family sa ipinadalang liham sa pamamagitan ng fax, courier at email.
Mas mainam kasi anya kung pinagbigyan ng pamilya Duterte ang hiling para sa kanilang komento bago pa lumabas ag ulat.
Sabi pa ni Mangahas, nais lang nila na magbigay ang pamilya Duterte malinaw at direktsahang sagot sa kanilang tanong.
Sa halip rin aniya na sisihin ni Pangulong Duterte ang report ng PCIJ, dapat nitong pagtuunan ang kabiguan ni Presidential Spokespersons Salvador Panelo na sagutin ang kanilang request letter sa loob ng mahigit limang buwan.