Monday, March 16, 2026

PCO, gagamit ng digital system para tutukan ang productivity ng mga kawani sa work-from-home set-up

Mahigpit na imo-monitor ng Presidential Communications Office (PCO) ang productivity ng kanilang mga empleyado na naka-work-from-home tuwing Biyernes.

Ayon kay PCO Secretary Dave Gomez, gagamit ang kanilang Information and Communications Technology (ICT) Division ng digital attendance system upang masubaybayan ang oras ng pagpasok, paglabas, at trabaho ng mga kawani habang nasa bahay.

Obligado rin aniyang magsumite ng monthly work program ang mga cluster heads at supervisors upang matiyak na natutupad ang mga gawain kahit naka-work-from-home ang mga empleyado.

Ang setup na ito ay bahagi ng pagpapatupad ng four-day onsite workweek at isang araw na work-from-home kada linggo, alinsunod sa Memorandum Circular No. 114 na naglalayong makatipid sa paggamit ng kuryente sa mga tanggapan ng pamahalaan.

Facebook Comments