PCO, handa na sa ikaapat na SONA ni PBBM

Handa na rin ang Presidential Communications Office (PCO) sa ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Alas-9:00 nang umaga nakatakdang umalis sa Malacañang ang mga tauhan ng PCO at Malacañang press para magtungo sa Batasang Complex.

Bukod sa live production, ang PCO ang in-charge sa communication materials, gaya ng translated versions ng talumpati, infographics, at social media content na ipalalabas sa iba’t ibang online platforms.

Mahigpit ding nakikipag-ugnayan ang ahensya sa local at international media para sa media accreditation at coverage arrangements, habang tiniyak din nito ang real-time updates sa official government channels sa araw ng SONA.

Layon nitong maging malinaw, organisado, at accessible ang paghahatid ng mensahe ng Pangulo.

Samantala, mahigpit na rin ang seguridad sa Malacañang complex para sa mga inaasahang kilos-protesta.

Sa mga oras na ito ay nakararanas ng katamtaman hanggang malakas na pabugso-bugsong pag-ulan sa Maynila.

Facebook Comments