Apela ng Presidential Communications Office o PCO sa publiko, lalo na sa mga kabataan na maging alerto at i-report ang mga pekeng impormasyon.
Partikular na ang mga impormasyong kanilang mababasa o mapapanood sa social media at iwasan na ang pagshe-share nito para hindi na kumalat ang fake news.
Payo ng PCO sa netizens, gamitin ang STOP and SPOT approach sa kanilang paggamit ng mga impormasyon.
Ang ang STOP and SPOT approach ayon sa PCO ay praktikal na gabay sa tuwing makakabasa ang isang tao ng mga impormasyon na hindi gaanong pamilyar sa kaniya.
Ilan sa mga dapat alamin sa mga nababasa sa social media ay ang pinanggalingan ng impormasyon o content at kung ito ay shinare ng mga credible na tao o organisasyon.
Maging ang pagsuri sa timeline ng impormasyon – kung ito ba ay bago o luma – dahil posibleng outdated o irrrelevant na ito pero napagkakamalan pa rin bilang isang balita.
Importante ayon sa PCO, na tugunan ang misinformation crisis, kaya dapat tututukan ngayon ang pag-educate sa publiko.