Suportado ng Presidential Communications Office (PCO) ang pagnanais ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na magkaroon ng non-permanent seat sa United Nations Security Council o UNSC.
Ayon sa PCO, isa sila sa mga ahensiyang nasasabik na makakuha ng seat sa UNSC ang bansa kasunod ng una ng naging anunsiyo ng pangulo patungkol sa bid ng Pilipinas sa UNSC.
Ang bid ay inanunsiyo noon ng pangulo sa 77th UN General Assembly session na kinumpirma rin ni Secretary of Foreign Affairs Enrique Manalo.
Kaugnay nito’y sinabi ni Digital Media Services Usec. Emerald Ridao na gagawa ng communication strategies ang PCO para makakuha ng suporta para sa UNSC bid ng Pilipinas.
June 2026 ang nakatakdang botohan sa UNSC at sisimulan na aniya ng ahensiya any gagawin nitong pangangampanya.