PCO, inimbitahan ang publiko sa huling gabi ng Pasko sa Palasyo

Nanawagan ang Presidential Communications Office (PCO) sa publiko na huwag palampasin ang huling gabi ng “Tara sa Palasyo” ngayong December 23.

Ayon sa PCO, ito na ang huling pagkakataon ngayong taon para makapasok at makapasyal ang mga pamilya sa Malacañang.

Tampok sa selebrasyon ang libreng carnival rides, iba’t ibang laro, kantahan, at film showing na maaaring tangkilikin ng mga bata at matatanda.

Kagabi, nagtanghal ang UP Manila Chorale, habang tuloy-tuloy rin ang “Sinemuling Pasko: Pinoy Classics Rewind,” isa sa mga pangunahing programa ng selebrasyon.

Magbubukas ang huling gabi ng “Tara sa Palasyo” mula alas-sais hanggang alas-onse ng gabi.

Facebook Comments