PCO, naglaan ng P16-M para labanan ang fake news

Umaabot sa P16 million ang pondong inilaan ng Presidential Communications Office (PCO) para labanan ang pamamayagpag ng fake news at misinformation sa social media.

Sinabi ito ni PCO acting Secretary Dave Gomez sa pagbusisi ng House Committee on Appropriations sa panukalang P2.5 billion na budget ng PCO at attached agenies para sa susunod na taon.

Ayon kay Gomez, pangunahin nilang hakbang para labanan ang mga content na nagpapakalat ng fake news at misinformation ang paglikha ng content na itatapat dito na naglalaman naman ng tama, totoo at malinaw na impormasyon.

Binigyang diin ni Gomez na mahalaga ang nagkakaisang mensahe ng PCO at attached agencies nito gamit ang lahat ng available na social media platforms para tuluyang madaig ang pagkalat ng fake news at misinformation.

Facebook Comments