
Muling nagpaalala ang Presidential Communications Office na hindi dapat patungan ang presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo.
Kasunod na ito ng mga ulat na may nakitang pagtaas sa ilang presyo ng bilihin kahit wala namang taas-presyo ng langis sa pandaigdigang pamilihan.
Ayon sa PCO, maaring tingnan ang listahan sa website ng Department of Trade and Industry ang suggested retail price para sa mga basic at prime commodities.
Partikular ang canned food products, bottled water, mga dairy products at mga common household at kitchen supplies.
Payo ng PCO sa mga konsyumer ikumpara ang SRP sa kanilang binibilhang tindahan ang presyo ng kanilang binibiling produkto.
Hindi anila makatwiran ang price gouging kaya nagbabala ang pamahalaan na maging mapanuri patungkol sa ganitong kaso.









