PCO political appointees, pinagsusumite ng courtesy resignation

Pinangsusumite ng courtesy resignation ni Presidential Communications Office (PCO) Sec. Dave Gomez ang lahat ng political appointees ng ahensya.

Ayon kay Gomez, bahagi ito ng standard transition process ng pagpapalit ng liderato.

Bago nito, nauna nang sinabi ni Gomez na magpapatupad siya ng performance audit dahil nais niyang maging patas sa mga opisyal at kawani ng PCO.

Nagsimula na aniya siyang makipagpulong ngayong umaga dahil nais niyang magkaroon ng one-on-one na pag-uusap lalo na sa mga opisyal ng ahensya.

Sisilipin din ng kalihim ang mga umano’y midnight appointees ni former Secretary Jay Ruiz bago ito umalis sa pwesto.

Facebook Comments