PCO Sec. Gomez, hindi na konektado sa tobacco industry bago tanggapin ang pwesto

Iginagalang ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Dave Gomez ang opinyon ng mga tutol sa pagkakatalaga sa kaniya ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon kay Gomez, hindi na siya bahagi ng tobacco industry at isa na siyang pribadong mamamayan bago niya tanggapin ang pagiging kalihim ng PCO.

Pero sa tamang forum niya aniya sasagutin ang bagay na ito para maging malinaw sa lahat.

Diin pa ni Gomez, hindi naman ito tungkol sa kaniya, kundi tungkol sa programa at polisiya ng administrasyon.

Kabilang sa maagang kumontra sa pagtalaga kay Gomez ay si Senador Pia Cayetano dahil umano sa kaniyang koneksyon sa tobacco industry na maaaring makapagpahina sa kampanya kontra paggamit ng tabako at sa kalusugan ng publiko.

Nagpahayag din ng pagtutol ang Child Rights Network, Healthy Justice, Healthy Philippine Alliance at pitong iba pang grupo.

Facebook Comments