PCO Secretary Jay Ruiz, tinuldukan na ang mga ulat na aalisin siya sa pwesto

Diretsahang pinabulaanan ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Jay Ruiz ang mga balitang aalisin siya sa pwesto bilang kalihim ng ahensya.

Kasunod ito ng mga kumakalat na ulat na ililipat umano ang kalihim sa Presidential Action Center.

Ayon kay Ruiz, nananatili siyang kalihim ng PCO hangga’t walang bagong direktiba si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Nakatutok din aniya si Ruiz sa paghahatid ng programa ng pamahalaan at tamang impormasyon sa publiko alinsunod sa kaniyang mandato.

Samantala, itinanggi rin ni Ruiz na nagpositibo siya sa COVID-19 tulad ng ilang lumabas na balita.

Ang kaniyang personal staff aniya ang tinamaan ng COVID noong isang linggo kaya minabuti niyang lumiban ngayong umaga nang sumama ang pakiramdam.

Agad namang sumailalim sa COVID-19 test ang kalihim at negatibo naman aniya ang resulta kaya balik-trabaho na ang kalihim ngayong hapon.

Facebook Comments