
Tinangap na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang courtesy resignation ni Presidential Communications Office (PCO) Senior Undersecretary Ana Puod.
Ito ang inanunsyo ni Palace Press Officer Claire Castro sa Malacanang press briefing ngayong araw.
Matatandaang noong nakaraang buwan pa nagbitiw si Puod ngunit nagbalik makalipas ang ilang araw dahil binawi umano ang kanyang resignation letter.
May mga kumakalat ding ulat na nagbitiw umano si Puod dahil sa hindi na nito makayanan ang kalagayan sa loob ng ahensya bagay na itinggagi naman mismo ni Puod.
Facebook Comments









