PCO Usec. Castro, dumistansya sa tapatan nila ni OVP Spox Castelo; VP Sara, ‘di na kailangan ng attack dog!

Dumistansya si Palace Press Officer Claire Castro sa umano’y nila ng bagong talagang tagapagsalita ng Office of the Vice President (OVP) na si Atty. Ruth Castelo.

Ayon kay Castro, hindi nila kailangang magtapatan ni Castelo dahil nakatuon naman sa katotohanan at transparency ang kanilang trabaho bilang mga tagapagsalita.

Samantala, sang-ayon naman si Castro sa pahayag ni Castelo, na ang kanyang appointment ay hindi para maging “attack dog” ni Vice-President Sara Duterte.

Pasaring ni Castro, hindi na kailangan ni VP Sara ng isang attack dog para magbitaw ng mabibigat na pahayag at kritikal na atake sa ibang opisyal, para protektahan ang kanyang interes at tanggapan.

Si Castelo ay dating undersecretary ng Department of Trade and Industry (DTI) bago napili bilang OVP spokesperson.

Facebook Comments