PCol. Hector Grijaldo, arestado at nasa kustodiya na ng Kamara

Arestado at nasa kustodiya na ng Kamara si Police Col. Hector Grijaldo na pinatawan ng contempt at pinapaaresto ng House Quad Committee dahil sa ilang beses na hindi pagsipot sa mga pagdinig nito.

Ayon kay House Quad Committee Overall Chairperson Rep. Robert Ace Barbers, dinakip si Grijaldo habang nagpapa-check-up sa isang ospital.

Sabi ni Barbers, hiniling ni Grijaldo na maisailalim siya sa hospital arrest dahil siya ay inoperahan sa balikat.


Pero ayon kay Barbers, hindi ito pinagbigyan makaraang lumabas sa assessment ng mga doktor ng PNP at Kamara na normal naman ang kondisyon nito, nakakalakad at malayang nakakagalaw.

Magugunitang sinabi ni Grijaldo sa pagdinig ng Senado na pinilit siya ng ilang kongresista na patotohanan ang reward system sa ilalim ng war on drugs.

Si Grijaldo ang hepe ng Mandaluyong police nang paslangin si dating PCSO Board Secretary Retired General Wesley Barayuga.

Facebook Comments