PCol. Red Maranan, itinalagang tagapagsalita ng binuong 5-man advisory group

Napili si Philippine National Police Public Information Office (PNP-PIO) Chief PCol. Red Maranan bilang tagapagsalita ng binuong 5-man advisory group na sasala sa courtesy resignations ng 3rd level officials ng PNP.

Ito ang inanunsyo ni PNP Chief PGen. Rodolfo Azurin Jr., matapos na magpulong noong Lunes ang advisory group.

Ayon kay Azurin, regular na magbibigay ng update si Maranan sa publiko.


Aniya, sa susunod na linggo ay aarangkada na ang trabaho ng advisory group dahil target nilang matapos agad ang vetting process.

Pagtitiyak pa nito, magiging katanggap-tanggap ang rekumendasyon ng advisory group sa NAPOLCOM bago tuluyang ipasa kay PBBM para sa kanyang final approval.

Facebook Comments