PCol Rumbaoa, Itinalagang Bagong Pinuno ng PNP Quirino

68

Cauayan City, Isabela- Umupo na bilang bagong acting Provincial Director ng PNP Quirino si PCol Rommel Rumbaoa na pumalit kay outgoing PCol Renato Mallonga.

Si PCol Rumbaoa ay dati nang nakatalaga sa PNP Quirino sa magkakaibang posisyon mula taong 2015 hanggang 2018.


Sinabi nito sa kanyang mensahe na malaki ang kanyang kakaharaping hamon ngayon at responsibilidad sa kanyang pag-upo bilang bagong pinuno ng PNP Quirino.

Nangako naman ito na gagawin niya ang lahat ng kanyang makakaya upang mapanatili at maipagpatuloy ang mga magagandang adbokasiya na naumpisahan ni PCol Mallonga.

Idiniin naman nito sa lahat ng hanay ng pulisya sa probinsya ang kahalagahan ng disiplina sa trabaho bilang pinaka importanteng taglay sa pagbibigay ng serbisyo.

Tinawag din nito ang pansin ng bawat kapulisan na makiisa at suportahan ang mga programang ipinatutupad sa probinsya.



Facebook Comments