PCOO Asec. Mocha Uson at Presidential Spokesman Harry Roque, tatakbong senador sa 2019 elections – PDP laban Sec.Gen. Pantaleon Alvarez

Manila, Philippines – Tatakbong Senador sa 2019 midterm elections sina PCOO Assistant Secretary Mocha Uson at Presidential Spokesman Harry Roque sa ilalim ng PDP-Laban na partido ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang inanunsyo ni PDP-laban Secretary General Pantaleon Alvarez sa isinagawang mass oath taking ng mga bagong kaalyado ng partido sa Cebu.

Bukod kina Uson at Roque, nabanggit din ang pangalan nina Davao City Rep. Karlo Nograles, Negros Occidental Albee Benitez, Bataan Rep. Geraldine Roman at Francis Tolentino.


October 6 pa nang unang kumpirmahin ang pagtakbo sa senatorial elections ng apat gayundin si House Majority Leader Rodolfo Fariñas at si Senate President Koko Pimentel bilang re-electionist.

Facebook Comments