Manila, Philippines – Sinampahan na ng pitong kasong administratibo at kriminal ni Senador Antonio Trillanes IV si Presidential Communications Asec. Mocha Uson.
Kabilang rito ang isang kasong administratibo at tatlong bilang ng kasong cyber libel na may kinalaman sa pagpapakalat ni Uson ng fake news gaya ng mga pekeng bank account ni Trillanes.
Dagdag pa ang isang count ng violation of anti-graft and corrupt practices act, falsification and use of falsified documents at code of ethics dahil naman sa ginawa niyang pagpeperform sa casino sa kabila ng posisyon sa gobyerno.
Mensahe ni Trillanes kay Uson, kumuha ng magaling na abogado.
Samantala, ayaw namang patulan ng Malacañang ang isyu.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella – malaya si Trillanes na gawin ang gusto niya dahil karapatan ito ng senador.
Wala pa namang pahayag si Uson tungkol dito.