PCOO ginisa sa pagdinig ng Senado

Manila, Philippines  – Ginisa ni Senador Francis Tolentino ang mga opisyal ng  Presidential Communications Operations Office o PCOO matapos mabigo na makuha ang  exclusive  rights para mag-cover sa pagbubukas at mga major sport events ng Southeast Asian o SEA Games na idadaos sa bansa simula  Nobyembre 19.

Ipinagtataka ni Tolentino na bilang host country ay ganoon na lamang ang paghahanda ng pamahalaan subalit nakalimutan ang coverage.

Tanging ang BMX at skate boarding categories mula sa 56 sports categories sa ilalim ng SEA Games ang maari lang i-cover ng  PTV4 na hinahawakan ng PCOO.


Hindi matanggap ni Tolentino na kakulangan ng pondo ang dahilan kaya hindi nakuha ng government media ang kontrata sa pag-iire ng major SEA games sports.

Paliwanag ni Tolentino, malaki ang maari sanang kitain sa advertisement kung nakuha ng government media station ang coverage sa basketball game at volleyball game.

Diin ni Tolentino, pinakawalan ng PCOO ang tsansa na magpakita tayo ng gilas at suporta sa Southeast Asian community.

Facebook Comments