PCOO, hindi palalampasin ang pag-inom ng alak ng staff ng Apo Productions habang nasa pagdinig ng Senado

81

Nagpadala na si Presidential Communications Operations Office (PCOO) Sec. Martin Andanar ng show cause order laban kay Dominic Tajon ang sales and marketing manager ng APO Production Unit na nakitang umiinom habang dumadalo sa pagdinig ng Senado via Zoom.

Ayon kay Sec. Andanar nais niyang malaman ang panig ni Tajon.

Sinabi pa nito na kapag napatunayang umiinom nga ng alak si Tajon habang nasa pagdinig ay hindi niya ito palalampasin.


Binigyang diin pa nito na hindi excuse ang partisipasyon sa hearing ng Senado via Zoom o online lamang para hindi umayos sa pananamit at sa gawain.

Giit pa ni Andanar na hindi ibig sabihin na work from home ang arrangement para sa pagdalo sa pagdinig ng Senado ay hindi na ito rerespetuhin.

Una nang humingi ng dispensa ang PCOO sa mga senador.



Matatandaang bukod sa pag-inom umano ng alak, napansin din ng mga senador na paalis-alis o patayo-tayo si Tajon habang isinasagawa ang pagdinig.

Facebook Comments