PCOO, pinagsusumite ng Senado ng mga dokumentong magpapatunay na hindi mga trolls ang mga contractual employees nito

94

Pinagsusumite ng Senate Finance Sub Committee ang Presidential Communications Operations Office o PCOO ng mga dokumento para patunayan na hindi mga trolls ang 1,479 contractual employees nito.

Ang hinalang trolls ang naturang mga contractual employees ay pangunahing inungkat ng mga senador sa pagtalakay sa ₱1.9 million na proposed 2022 budget ng PCOO.

Sa budget hearing ay kinuwestyon ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang pagkuha ng PCOO ng contractual employees gayong umaabot pa sa 1,776 ang bakante nitong plantilla positions.


Facebook Comments