PCOO, pinuri ang Laguna dahil sa mataas na COVID-19 recovery rate

Pinuri ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) bumubuting COVID-19 situation sa Laguna.

Matatandaang isa ang lalawigan sa COVID-19 hotspots sa mga nagdaang buwan, pero ito na ang mayroong mababang COVID-19 active cases at itinuturing na may mataas na COVID-19 recovery rate na nasa 91%.

Sa Pagdalaw sa Laguna: “Explain, Explain, Explain” conference, sinabi ni PCOO Secretary Martin Andanar na kailangang maipakita sa buong bansa kung paano naresolba ng Laguna ang kanilang kaso ng COVID-19.


Aniya, mahalagang magsilbing inspirasyon din ito sa iba pang probinsya sa bansa sa kung paano nagkakaisa ang mga lokal na pamahalaan.

Sinabi rin ni Andanar ay sumisimbolo ito ng pag-asa at pagkakaisa.

Ang Laguna ay isang ehemplo na maaaring tularan ng iba pang lalawigan sa Pilipinas.

Si Andanar ay itinalagang ‘Big Brother’ ng anti-COVID coordination para sa Laguna, kung saan nireresoba ang agwat sa pagitan ng mga lokal na pamahalaan at national agencies at matiyak ang pagkakaroon ng synchronized COVID-19 responses.

Mula nitong November 3, 2020, ang Laguna ay nakapagtala ng 15,300 COVID-19 infections, 1,063 dito ay active cases pero walang pasyenteng nasa severe condition.

Nasa 13,925 ang gumaling at 312 ang namatay.

Facebook Comments